Salamangka (The Adventures of Saturnino Satanas)
by: Paul Diaz
Chapter 26: Dark Arts
Ginawa naming kampo ang bahay nina Trina at Tanya, nag meeting kami sa garden nila at
nandon si Tsupi, Alyssa, Tanya, Trina, Jana, Yammy, Barubal, Raldske, Yapito at
si Lord Waps.
So nasa kanila ang kapangyarihan ng asul na apoy, wala akong
alam na panlaban don sabi ni Lord Waps. Dapat sa akin napunta yon pero naloko ako, akala
ko nanay ko ang kumakausap sa akin para wag tanggapin ang apoy pero kasabwat
pala ni Basilio yon,
sino ba yung babaeng yon at sino yung nakaharap niyang nakaputi? tanong ko.
Di namin alam, ngayon ko lang nakita yong nakaitim na yon,
sana pag nakita yung mukha niya baka namukhaan ko sagot ni Barubal. Yung nakaputi itanong
mo nalang kaya sa mga
anghel sabi ni
Lord Waps. Malaking problema ito, di ko alam pano ko tatalunin si Basilio pag
nasa kanya na ang asul na apoy sabi ko at biglang yumanig ang lupa at may apoy
na namuo. Lahat kami naghanda habang papalaki ang apoy.
Lumabas sa apoy sina Mani-king, Lord Raizen, at si Devilo,
handa na kaming umatake pero napansin naming hinang hina sila. Teka tol¦peace¦itago
mo kami sabi ni
Raizen at nagsara ang apoy at nagbagsakan ang tatlo sa lupa. Raizen anong
nangyari sa inyo?
tanong ni Waps. Si Basilio, nag power
trip, sinubukan niya ang kapangyarihan niyang bago, inubos niya kami¦nakatakas
kami pero yung iba wala na¦ sagot ni Mani-king.
Don™t tell me makikilaban siya mag isa niya sabi ko at nakita
ko talaga ang takot sa
mata ng mga tatlo. Hindi, may bago siyang tropa, madami sila, recruit galing sa
ibang bansa yung iba¦walang problema sa tropa niya kayang kaya sila pero ang
dami nila sobra at si Basilio ang lakas na niya, itong ginawa niya sa amin titig
palang niya sabi ni
Devilo.
Nilapitan ko si Yammy at nagets niya agad ang gusto kong
mangyari, Fusion! sigaw niya at nagsanib ulit ang kapangyarihan namin. Nilapitan ko
yung tatlo at binasa ko ang utak nila, totoo ang sinasabi nila at mas nararamdaman ko ang takot na bumabalot sa
kanila. Nagsasabi kayo ng totoo at nararamdaman ko ang takot niyo sabi ko at
tinignan ako ni Mani-king sabay tinignan niya si Alyssa. Tara Fusion din tayo
sabi niya kaya biglang lumabas ang dark claws ko at nilapit ko ito sa ulo niya. E kung
kayo ng dark claws ko ang mag fusion? banat ko at napalunok siya at napaatras.
Itatago namin kayo pero may kondisyon ako, di niyo pwede
ipamalas dito ang kamanyakan niyo. Kung lumabag kayo sa kondisyon ipapabalik ko
kayo sa baba, naiintindihan niyo? sabi ko at sumang ayon silang tatlo. Ano to
parang rehab? banat ni Raizen at bigla siyang binatukan ni Waps, May angal ka
ba? sabi ni Waps at nanliit bigla si Raizen at naglaro laro nalang ng maliliit na kidlat sa mga daliri niya.
Tanya, Trina at Tsupi kayo na bahala sa tatlong ito, Yaps
bantayan mo sila, wala parin ako tiwala sa kanila utos ko at agad sila tineleport sa
ibang lugar. Naupo ako sa sofa at inisip kung pano ko na kakalabanin si Basilio. Tinabihan ako ni Alyssa at Jana
at pareho sila sumandal sa akin. Nasan na pala yung kwintas mo? tanong ni Alyssa.
Suot ko, ginawa kong invisible nga lang, eto o sabi ko at pinakita ko na sa
kanila.
Dalawang tala lang ang umiilaw, di mo parin nahanap yung
pangatlo sabi ni
Waps. Oo nga e, kailangan ko mahanap daw yon, pero pano kung wala? Di ko kaya
si Basilio sagot ko. At least you can try sabi ni Waps. Oo nga eh, at di ko
naman din lang alam ano mangyayari kung nahanap ko man yung pangatlong tala e, siguro lalakas ako or
whatever pero pano ko naman lalabanan yung kumag na Basilio na yan? sabi ko at tumawa
si Waps.
I will teach you Dark Arts sabi niya at nagkatitigan kami. Pinanood kita
lumaban, sayang lang
lakas mo, oo nga malaki ang dark flame mo at malakas pero di mo naman ginagamit
pa ang ibang lakas mo. Nasasayang ang gifts mo, si Alyssa limited lang ang
naituro ko kasi hanggang doon lang lakas niya. Ikaw mas malakas ka sa akin and
I can even teach you the things na di ko kaya gawin pero alam ko pano gawin sabi nya. Like
what? Gawin kong miserable ang mga tao? sabi ko at tumawa ulit siya.
Akala mo madali yon? Ang lakas na yon di madali, kasi
kinakain mo ang will power nila. Tulad ngayon bakas ang takot sa itsura mo,
kung inatake kita ngayon may tsansa na mapapatay kita. Pag miserable ang tao,
parang walang kabuhay buhay yan, utak niya naglalakbay pero parang suko na siya
sa buhay. At that moment of weakness kahit di mo na gamitan ng kapangyarihan,
kahit bugbugin mo nalang o kaya kurutin mo siya hanggang sa mamatay siya paliwanag niya at
natawa ako.
Pero making one miserable is difficult, mahirap siya gawin.
It took me ten years to master it, madami pa akong alam na kapangyarihan pero di
kaya ng lakas ko. Pero ang pinakagusto ko is yung power na gawin malibog lahat
ng mahahawakan ko sabi nya at tawa kami ng tawa. Di ko na kailangan yan sabi ko at
tumawa siya. Eto sampolan kita, don™t worry kayak o din tanggalin ito, gagawin kitang miserable para matikman mo
naman kapangyarihan ko sabi niya at bigla niya ako hinawakan sa kamay.
Wala naman ako nararamdaman at nagtataka siya. Bakit di
tumatalab sa iyo, e noon sinubukan ko ito kay Basilio e, umiyak siya ng isang
linggo sabi niya. Tumalab siguro pre, pero
miserable na talaga ang buhay ko mula noon kaya siguro wala na talab pa
kapangyarihan mo sa taong miserable na paliwanag ko at napatahimik lang siya pero
tinignan ako ni Alyssa at Jana. I see¦madami pa akong pwede ituro sa iyo, you want to
start? tanong
niya. Tara, wala na rin lang ako magawa e di sige, una mo ituro yung pano gawin
malibog ang tao ha sabi ko at tawa siya ng tawa.
Hinawakan ulit ako ni Waps at bigla kami nateleport sa isang
disyerto. Wow pare ano naman ginagawa natin dito? tanong ko. Saturnino, nandito tayo para
maranasan mo paano ang feeling ng mamatay. Iiwanan kita dito, wala kang
pagkain, bahala ka maghanap.
Di ka pwede gumamit ng kapangyarihan mo dito, ginawa ko ang lugar na ito parang
training area para sa mga gustong matuto. Kasi Saturnino, kailangan mo makita
gaano kahalaga ang kapangyarihan mo. Sa ngayon parang laruan mo lang kasi ito,
hindi dapat ganon. Malakas ka at sinasayang mo lang ito, dito sa lugar na ito
wala kang kapangyarihan, dito ka magdadasal na sana meron kang kapangyarihan.
So good luck sa iyo, babalikan kita after three days sabi nya
Three days? Baka patay na ako non? sabi ko. Siguro nga, problema mo na yon
diba? Kung ayaw mo mamatay e di gumawa ka ng paraan. At gusto ko malaman mo na
di ka nag iisa dito, madami kayo sabi niya. Ano? E anong ginagawa ng iba dito?
tanong ko. They are my students¦iniiwan ko sila dito for thirty days, e naka twenty seven na sila,
kasi every year tumatanggap lang ako ng isang estudyante para turuan ko. Oo si
Alyssa she survived this for thirty days. Swerte mo at three days ka lang pero
naiintindihan mo ba ang ibig sabihin nito? tanong niya.
Yes, since isa lang ang pwede mo turuan kailangan ko patayin
ang iba sabi ko
at tmawa siya. Di ka pala bobo, anyway, good luck sa iyo, wag ka sanang mamatay
sabi niya at bigla na siyang nawala.
Tama si Waps, tatlong araw ako naghirap, tatlong araw ko
dinasal na may kapangyarihan ako. Umabot ako sa sukdulan ng aking makakaya,
naisipan ko pa patayin ang sarili ko pagkat nahirapan ako ng husto. Nakatikim
ako ng malalalim na sugat, kung di lang ako takot mamatay siguro di na ako lumaban.
Wala akong tulog sa tatlong araw, naka alerto lang ako pagkat kahit anong oras
pwede ako atakehin ng ibang tao.
Lahat kami isa lang ang gusto, ang mabuhay. Di na namin habol
na maturuan ni Waps, di na importante ang premyo, ang tanging nasa isipan ng bawat
isa sa amin ay mabuhay. Tatlong araw madami ako nagawa, madami ako natuklasan
sa sarili ko na kaya ko palang gawin kung gipit. Sa tatlong araw natutunan ko
ang importansya ng aking kapangyarihan. At pagkatapos ng tatlong araw ako
nalang ang natira.
Sumulpot bigla si Waps at naupo sa tabi ko. Ano nagbago na ba
ang pananaw mo? tanong niya. Oo, madami pala akong kayang gawin na di ko man lang
naimagine sa buong buhay ko sagot ko. Good, ready ka na sabi niya. Pero hindi
maganda ang pakiramdam
ko sa nagawa ko sabi ko sa kanya at tumawa siya. Sabi ko nga, lahat ng nangyari sa
iyo sa tatlong araw hindi totoo. Parang simulation lang at di totoong tao mga
yang napatay mo. I just wanted to show you what you were capable of without your powers sabi nya at
nagulat ako.
Ows? E bakit may sugat ako? Bakit gutom ako? Bakit ako pagod?
Bakit ako dinudugo? tanong ko at tawa siya ng tawa. Tanga! Syempre tatlong araw ka di
kumain, talagang sinugatan ka naman e, pero yang mga yan puppets lang yan. Ikaw palang ang unang
nakasurvive ng buhay sa ganito. Si Alyssa sumuko, si Basilio sumuko, at yung
iba sumuko o kaya namatay¦ikaw kakaiba ka sabi niya at medyo natuwa ako.
�Now nakita mo ang kaya mo without
your powers. Tama ka, never mo inimagine ang mga yan diba pero kaya mo pala.
Ganon din sa powers mo, madami kang pwedeng gawin basta gusto mo lang. Now kung
iiwanan ulit kita dito for three days pero now with powers sa tingin mo ba mas
madali buhay mo? tanong niya at tumawa ako.
Three days? Give me three hours ubusin ko sila sabi ko at
ngumiti siya. Good, tara na bigyan kita ng isang araw magpahinga then we can
start with your training sabi niya at isang iglap nasa bahay na kami.
The following day tanghali na ako nagising, ang sarap ng
tulog ko pero pagmulat ko ng mata ko napakadilim ng kapaligiran. Saturnino,
simulan na natin narinig ko ang boses ni Waps. Putsa naman kagigising ko lang, naiihi
pa ako sabi ko. Madilim naman e, e di umihi ka na wala naman nakakakita sa iyo e sabi niya kaya
talagang umihi ako bahala na kung may matamaan ako.
Saturnino, dito sa lugar na ito wala kang nakikita pero
sinasabi ko na madami kang kalaban dito. Nandito si Yaps, Tsupi, Mani-king,
Raizen, Trina, Devilo at Alyssa. Nandito din ako at nandito kami para saktan ka sabi nya. Oy,
walang ganyanan! sabi ko. Training ito! Wala kang karapatan magreklamo, isipin
mo nalang na ako si Coach Freddie at ikaw si Manny biro niya at sabay kami
tumawa pero may bumatok
sa ulo ko.
Ayan patikim lang yan. Nakikita ka namin pero ikaw wala ka
makita. Don™t worry di kami aatake sabay sabay. Goal mo protektahan mo sarili
mo at saktan mo din kami kung kaya mo sabi niya. Wow labo o, pero sige game ako sabi
ko at may bumatok ulit
sa ulo ko. Wala talaga ako makita pero may humipo sa ari ko, Tsupi!!! Tumigil
ka! Tignan mo lang pag nahuli kita lagot ka! sigaw ko. Nahipo ulit ang ari ko at narinig ko
ang tawa ni Tsupi, Concentrate ka Saturnino, pakiramdaman mo kami. Bawat isa sa amin may kanya
kanyang aura¦bago ka matuto lumaban kailangan mo matutuong depensahan ang
sarili mo gamit yang powers mo sabi niya at may sumikmura sa tiyan ko at napadapa ako sa sahig.
May sumipa sa likod ko at galit na galit na ako pagkat wala
talaga ako makita. Nag concentrate ako pero talagang binugbog nila ako. After
one hour lamog lamog ang katawan ko at lumiwanag na ang paligid. Hinang hina
ang katawan ko at lahat sila nakatayo at tinitignan ako. Sige pahinga ka na,
Tanya ikaw na bahala sa kanya sabi ni Waps at agad ako inalalayan ni Tanya.
Next day ganon ulit ang nangyari, nabugbog ulit ako pero
nagegets ko na ang gusto ituro sa akin ni Waps. Hahahaha nararamdaman ko na
kayo! sigaw ko
pero sabay sabay nila ako
pinag gugulpi, may narinig akong kuryente at alam ko si Raizen yon, inilagan ko
siya pero sapol naman ako sa kamao ni Trina. Nalamog ulit katawan ko pero unti
unti ko nang nalalaman ang pag gamit sa kapangyarihan ko.
Pangatlong araw handa ako, may idea na ako sa gagawin ko kaya
pagkagising ko ready na talaga ako para sa kanila. Pinikit ko mata ko,
nararamdaman ko kung nasan sila. Nasense ko pasugod si Devilo, sinuntok niya
ako pero siya ang nasaktan. Hahahaha!!! Ayan o ha sigaw ko pero narinig ko ang tawa ni Waps at naipatapon ako ng
malayo. Over confident! Never let your guard down sabi niya.
Nag concentrate ako, alam ko bawat galaw nila, di lang
depensa ginawa ko, sinaktan ko din sila. After one hour lumiwanag ang paligid
at nakita kong tumba sila lahat. Good, nagawa mo yan sa dilim, hati ang isip
mo, ginagamit mo powers mo para madetect kami, ginagamit mo powers mo para
depensahan sarili mo, tapos nagawa mo pa kami saktan. Can you imagine now ano
kaya mong gawin ngayong nakikita mo kalaban mo? Kahit nakakakita ka kailangan
mo parin sanayin depensahan sarili mo, mas maganda ngayon depensa mo pagkat
nakikita mo kami
Pero dahil sa nagawa mo ngayon pagod ka, halos ubos ang lakas
mo kasi madami kang nagastos sa dilim. Pero marunong ka na mag proportion ng
lakas mo, sa dilim madami kang nawaldas kasi ginamit mo pang detect sa amin.
Ngayong nakakakita ka na kailangan mo parin gamitin yon sabi niya at
bigla nalang ako nakaramdam ng malakas na suntok sa likod ko, bagsak ako sa
lupa at pagtingin ko nandon si Barubal. See, like that, di mo man lang siya
napansin sabi ni Waps. Kung si Basilio yan patay ka na sabi nya at tama nga siya.
Kinabukasan sa liwanag na kami naglaban, wala pang isang oras
bagsak sila lahat at di man lang nila ako nagalaw. Tama na ito, ready ka na
para maturuan ng Dark Arts, tara Saturnino maglakad tayo sabi ni Waps.
Naglakad kami sa hardin at mabilis akong tumalikod at
binigyan ng upper cut si Barubal. Akala mo mauulit mo yung kahapon ha sabi ko at tumawa
si Waps. Very good, alerto ka na ngayon ha sabi niya pero naramdaman ko aura
ni Alyssa galing sa
taas, mabilis ako nakaiwas at nasalo ko siya bago siya dumiretso sa lupa.
Nginitian ako ni Alyssa pero nilabas ko agad ang dark claws ko at winasiwas ko
sa likod ko. Pagtayo namin nandon sina Mani-king, Raldske, Raizen at Devilo na
bagsak sa lupa. Oy, di na pwede yang surprise attack sa akin sabi ko.
Umalis yung iba at naiwan kami ni Waps, Saturnino lahat ng
powers nila resulta ng dark arts training. Si Raizen trip niya ang kidlat kaya
kidlat ang gamit niya, si Mani-king type niya ang silent scream, lahat paiba
iba ang gusto pero lahat ng power nila kayo mo din gawin kasi malakas ka sabi niya sa
akin.
Ako gusto ko lang guluhin utak ng iba pero nadiskover ko
madami akong pwedeng gawin sa utak so nadiskover ko pano gawin miserable ang
tao at gawin malibog. Kaya ko din gawin masaya pero anong point ng ganon? sabi niya at tawa
kami ng tawa. Kaya tinatawag na dark arts kasi it is against nature nga daw at
ginagamit para manakit ng iba. Basically madali lang talaga on your part kasi malakas ka, kailangan mo lang
aralin mabuti ano ang gusto mo
Tulad ng power ni Raizen, pano nga ba gumagawa ng kidlat, sa
nature hot cloud meets cold clouds and boom etcetera etcetera, so ang di
sinasabi ni Raizen ay kaya niya mag manipulate ng heat and cold, that is where
he started paliwanag
niya. So si Mani-king naman sa frequency ng sound, I see so kailangan mo lang
manipulate talaga ang power sabi ko at tumawa siya. Oo pero sa power ko iba,
pinapasok na natin ang katawan at pagkatao ng iba so mas mahirap siya gawin. Kailangan mabilis ka at
alam mo agad ano ang gagalawin mo sa loob, para kang doctor na nag oopera,
isang maling galaw palpak ka sabi nya. E patay din lang naman kalaban mo pag nagkamali ka diba?
tanong ko at muli siyang
tumawa.
Oo pero di mo ba naisip bakit malakas si Basilio¦di man lang
niya magawa na patayin ang isang tao o demonyo sa isang iglap lang? Kasi bawal
yon, madaming rules na sinet si Bro sa taas, di mo pwede gamitin powers mo para
patigilin ang puso ng tao o demonyo pero sa dark arts nakahanap tayo ng loop
hole sa rule niya. Ang puso untouchable, ang utak di pwede rin pwede patigilin,
pero pwede natin manipulate to our advantage paliwanag niya.
Kaya importante sa akin ang touch, akala ng iba epekto agad
power ko pero hindi, kailangan ko pa pasukin ang utak ng tao o demonyo para
gumana. Noon ang bagal ko, isang araw pa bago umepekto, pero sa labanan
kailangan mabilis ka that is why nagpractice ako sa madaming demonyo, lets say
ten thousand souls sabi nya.
Since marunong ka na maglabas ng dark claw, yan mismo
manipulation ng powers mo. Pero ngayon ituturo ko ang iba sa iyo, lalo na ang
mga powers na di ko kaya gawin sabi niya.
Isang lingo ako tinuruan ni Waps, kaya ko na gawin lahat ng
powers nila. Di ko pa alam ano ang gusto kong kapangyarihan, di pa ako decided
kasi. Nagpaturo pa ako kay Waps ng isa pang lingo at lalo ko nasasanay ang
aking kapangyarihan, may halo paring kaba pagkat alam ko ang kaya gawin ni
Basilio at wala pa ako sa level niya.
Kailangan ko mahanap ang pangatlong tala, kailangan ko pa
lumakas. Habang wala pa siya sasanayin ko sarili ko pano lumaban, pano
dumepensa, at kung pano ko maililigtas sarili ko sa kamatayan.