Salamangka (The Adventures of Saturnino Satanas)
Epilogue
Tumalikod si Saturnino at pinanood niya ang mga abo ni
Basilio na inilipad ng hangin. Nakahinga siya ng maluwag at napatingin siya sa
langit. Thy will be done bulong niya at nagteleport na siya pabalik sa battle area.
Tamang tama papagising na ang lahat at nakita nila ang
malakas na puting ilaw, pagkahupa ng ilaw nakatayo ang kanilang tagapagligtas,
buhok niya sumasama sa agos ng hangin at may ngiti siya sa kanyang mukha.
Mabilis tumakbo papalit sa kanya ang mga kids at siyay
niyakap. Sumunod narin ang iba at siya ay pinagkaguluhan. Natumba sa lupa si
Saturnino at napahiga, mga kids dinaganan siya at pinagkikiliti. Is it over? tanong ni Jenny
habang nakatayo sya sa tabi ng anak niya. Nginitian niya ang kanyang nanay at tatay sabay tinignan ang ibang
kaibigan niya, Oh yes it is sabi ni Saturnino at sobrang sigawan at palakpakan ang lahat.
Kuya may sugat ka o sabi ni Danica at pinatong ng bata ang kamay
niya sa sugat at bigla ito nagliwanag. Nawala ang sugat ni Saturnino at napatingin siya
sa batang anghel, You are going to be some one™s star one day sabi ni Saturnino
at yumakap sa kanya ang bata.
Biglang lumipad sa ere si Danica at nanlaki ang mga mata ng
mga ibang kids, sunod sunod nang nagsiliparan sa ere ang mga little angels at
nagtawanan sila. Naiwan sa lupa ang mga little devils at lahat naiinggit.
Biglang naglabasan ang mga black little wings ng little devils at tuwang tuwa
sila, isa isa din sila umangat sa ere at agad sila naglaro ng habulan.
Tumayo si Saturnino at niyakap siya ng magulang niya,
nagmistulang party nanaman ang paligid at nagpasimuno si Yaps sa pagsasayaw ng
Jai Ho na matuwang sinabayan naman ng mga naghaharutang mga anghel na lalake.
Sa malayo may dalawang nilalang ang lumabas, isang nakaputing
matanda at isang nakaitim, lahat ng nagsasayahan biglang napatigil at
napatingin sa kanila. Lumapit ang dalawang matanda at kinuha si Saturnino para
makausap sandali.
Naglakad silang tatlo palayo at ang iba pinagmasdan sila
maigi pagkat first time nila nakita si Bro at Brod na magkasama. Saturnino¦nagpapasalamat
kami sa iyo iho. Because of you our friendship with Brod will remain intact¦at
eto na nilalantad na namin para makita ng iba. I know we will get criticized by
our peers sabi ni
Bro at nagulat si Saturnino. Peers? tanong niya. Oo pero wag kang mag alala
about that problema na namin ni Bro yon sabi ni Brod.
You have done enough iho, and masasabi ko talaga na you
deserve to be with me sabi ni Bro. Ahem¦excuse
me¦majority ng powers niya galing samin¦he deserves to be with me sabi ni Brod at
nagtawanan silang tatlo. Nagbibiro lang kami Saturnino¦as promised look at
Alyssa she is now an anghel but with dark wings like you¦and your parents¦as promised¦pero wait¦are you
sure about this? tanong ni Bro at nagkatitigan sila.
Ahem ahem¦Ayana ahem banat ni Brod at tumawa si Saturnino. Wait
anong ibig sabihin nito? tanong ni Saturnino at tinignan niya ang dalawa. Ahahahaha joke! Come on its time to
celebrate, oo we will grant you your wish that you made before pero that is
only one wish, you have one more wish sabi ni Brod. Wag kayong magbibiro ng ganyan ha¦pero¦ah¦can
I sabi ni Saturnino at ngumiti ang dalawa at sabay sila nawala.
Sa batis sa langit nakaupo si Ayana at pinagmamasdan ang
tubig nang may humawak sa pakpak niya. What took you so long? tanong ni Ayana
kahit di pa niya nakikita ang nilalang sa likod niya. Niyakap ni Saturnino si
Ayana at humarap ang
anghel at niyakap hinalikan siya. I waited here just like you said¦I waited for
you bulong
niya at yumakap siya ng mahigpit.
And I came back as promised¦sorry natagalan konti ha sagot ni
Saturnino. Pero halika lets go join the celebration sabi ni Saturnino. I cant¦diba you know why sagot ni Ayana. Halika
na, pwede na sabi ni Saturnino at nagulat si Ayana. Pwede na? How? tanong ni
Ayana. Ngumiti lang si Saturnino at lumabas ang mga pakpak niya. Basta, pero I don™t want to teleport¦ sabi niya at
hinawakan niya ang kamay ni Ayana at sabay sila lumipad pababa ng lupa.
Ang battle ground naging party area, may pagkain, may
nagsasayawan at pati mga kalaban na demonyo dati nagbagong loob na at nakisama
sa kasiyahan. Sa isang tabi sinusubukan ng mga kids si Barubal para mapalipad
sa ere, samantalang si little lumilipad na dala dala ang giant maso ng higante.
Nakaupo ang mga pretty demon girl sa isang sulok kung saan
nakaulsi sa lupa ang mga kamay ng favorite punching bag ng lahat at nagbibigay
ng pedicure. Si Tsupi at mga ka federasyon niya pinaghahabol si Yaps habang
nagpapasiklaban ang Angel orchestra at ang Demon F4.
Lahat nagsasaya pero nakita nila may dalawang nilalang na
bumababa galing sa langit, lahat napaitingin sa taas at nakita nila sina Ayana
at Satrunino na sabay nagpapababa.
Pagtungtong nila sa lupa nabitawan agad ng mga little kids si Barubal kaya
bagsak siya sa lupa sabay sinugod si Ayana.
Nagkatitigan si Alyssa at Ayana, sumama sa eksena si Jana at
Yammy kaya napakamot nalang si Saturnino at tawa ng tawa si Adolfo. Wait! Di ko
pa nakikita si Michelle sabi bigla ni Saturnino nang hanapin niya ang pangatlong tala niya.
Tinuro ni Adolfo ang
kwintas niya sa dibdib, Look may tatlong ilaw pa siya, pag may isang ilaw na
nawala that means¦pero look may ilaw pa so she is okay paliwanag ni
Adolfo pero di kuntento si Saturnino kaya napatingin siya kay Bro. Tulad ng
sinabi ng tatay mo she
is okay sabi ni
Bro kaya medyo kumalma na siya pero nagkatinginan si Bro at Brod.
Napalibutan si Saturnino ng mga babae at lahat sila ang
sasama ng tingin sa isat isa. Napatingin si Saturnino sa daddy niya pero
umakbay ang daddy niya sa mommy nya at naglakad palayo, Problema mo yan anak banat ni Adolfo
at napakamot muli si Saturnino.
Isa isa tinignan ni Saturnino ang mga babae at huminga ng
malalim, apat na nagsisigandahang dilag nakapalibot sa kanya. Okay¦kasi ganito
yon¦I am ¦I want to be normal again¦no powers¦just the ordinary me again. I
know you all met me in a different way¦you liked me for several reasons¦pero
sana you meet me as the ordinary me.
So after the party I wont remember any of you again, ganon
din ipapagawa ko sa inyo. I do love you all pero sana maintindihan niyo na if
we were meant to be then I would want it to be the human way at gusto ko din
sana maramdaman kung pano magkaroon ng family so even my parents are going to
be human beings again sabi ni Saturnino
at halos maiyak na ang mga girls.
If we were meant to be then I know we would definitely be
together pahabol
ni Saturnino at isa isa niyang tinignan ang mga girls. So pano kami ni Ayana,
no chance at all ganon ba? tanong ni Alyssa. About that, Alyssa you have one wish kasi isa ka sa mga
tala ko¦and I have an extra wish that I am going to give you Ayana. Kayo na
bahala kung ano gusto niyo¦Jana you also have one wish because you too are my
star¦Yammy¦sabi ng mama mo she never used her wish so its yours daw. Please
lang don™t use it to gain an advantage¦if we were meant to be then we would
find each other sabi ni Saturnino at lahat ng girls tumalikod at nilayuan siya.
Di makayanan ni Satrunino magsaya kaya naglakad siya palayo
pero sinabayan siya ng magulang niya. Tumulo na ang luha sa kanya mga mata at
bigla nalang napaluhod. Bakit ang dami kong kailangan gawin na sakripisyo¦I
think I hurt their feelings¦pero gusto ko kayo makasama at ayaw ko na ng lahat
ng ito. Pero ang puso ko parang nabibiyak sabi ni Saturnino at agad siya inakbayan ng
nanay niya. Anak what you said back there¦totoo yan¦look at me at mama mo. We
are together and I really fought hard for it pero oo nahihiya din ako sa iyo
kasi nadamay ka. Call me
selfish and blame me if you like¦pero okay lang sa amin ng mama mo na baguhin
mo plano mo. Whatever happens we shall always be here for you sabi ni Adolfo.
Bumalik sa party ang magpamilya at talagang nagsiyahan ang
lahat. Pinag agawan si Saturnino ng magkabilang kampo at walang gusto
magpakawala sa kanya. Lahat gusto makasama ang kanilang tagapagligtas. Pero
pagdating ng hating gabi lahat naging malungkot, tumigil ang siyahan at lahat
napatingin kay Saturnino at magulang niya.
�Ayaw ko magdrama pero mamimiss ko
kayo lahat talaga. Isa lang pakiusap ko wag niyo naman ako dalawin at takutin sabi ni Saturino
at biglang nagtawanan ang lahat pero nagsimula mamuo ang mga luha sa kanilang
mga mata.
Demons and Angels and humans, di naman tayo talaga magkakaiba
e. Tignan mo kaya naman natin magsama sama e. I hope it stays this way forever.
Anyway gusto ko narin magpasalamat sa inyong suporta at tulong na binigay sa
akin. Di ako magiging si Saturnino Satanas pag wala kayo lahat. Nag enjoy ako talaga
na kasama kayo and pag ipapaulit ang buhay ko tiyak uulitin natin ito kasi
nagsaya din ako kahit papano
Pero sana intindihin niyo din naman ako kahit ngayon lang, I
am going to be human again to be with my parents. Bukas pagkagising ko I wont remember
any of these na, pero ngayon palang sinasabi ko na mamimiss ko kayo talaga
lahat¦oo nga pala¦pag tao na ulit ako pangalan ko pala ay Benjoe sabi nya at
tumalikod na at sumama sa kanyang mga magulang at lumapit sila kay Bro at Brod.
Are you sure? tanong ni Bro at muling napalingon si Saturnino sa mga iiwanan niya.
Huminga siya ng malalim at hinarap si Bro. Do it quick bago magbago isip ko
sagot niya. Okay, no memories of these all except new memories will be
implanted as if lumaki
ka talaga na may magulang¦no powers too sabi ni Bro. Yes that is what I want sabi ni
Saturnino at niyuko niya ulo niya. Okay then, maraming salamat sa inyong tatlo
malaki ang nagawa niyo para sa balance ng mundo. You chose the human path of life so accept life even though if
it will be cruel to you sabi ni Bro at biglang lumiwanag at nawala na ang buong pamilya.
Parang naglukhsa muli ang mga kampon ng kabutihan sa pag alis
ng pamilya, wala na silang gana ituloy pa ang kasiyahan. Nagpaalam na ang mga
demonyo sa mga anghel, pero ang mga batang demonyo nagsimula mag iyakan pagkat
ayaw nila iwanan ang mga kalaro nilang mga anghel.
Magkikita pa tayo sabi ni Sanito at
pati siya umiiyak na. Kung gusto niyo laro pa tayo dito e sabi ni Dada at natuwa ang mga little
devil at pinayagan naman sila maiwan pa. Barubal ikaw muna bahala sa kanila sabi ni Lord Waps
at napakamot si Barubal. Ako nanaman? reklamo niya. Sige na Barby Dolls,
favorite ka nila e biro ni Raizen at bago makareklamo si Barubal ay nawala na ang mga demonyo.
Naiwan din si Louie para bantayan ang mga batang anghel.
Sa malayong lugar naglakbay si Bro at Brod may kasama silang
anghel na mandirigma. Ricky¦nandyan si Michelle sa ilalim ng mga bato sabi ni Bro at mabilis na hinanap ng
anghel ang pangatlong tala. Bakit di mo sinabi ang totoo kay Saturnino? tanong ni Brod. Bakit
I told him she was fine¦di ko kailangan sabihin na sugatan siya sagot ni Bro.
E kahit na. Kailangan niya malaman sumbat ni Brod. Really?
Tell me my friend, nag enjoy ka pinapanood si Saturnino diba? tanong ni Bro. Oo
syempre sagot ni Brod. Okay e ikaw bakit di mo sinabi din sa kanya ang totoo?
tanong ni Bro at napakamot si Brod. Kasi you want to watch him again diba? tannog ni Bro at pero sila tumawa.
We both enjoyed watching him and I know pareho tayo gusto
ulit natin siya makita¦pero lets let him rest first sabi ni Bro at
nahanap na ni Ricky ang duguan na anghel. Nilapit ni Ricky si Michelle kay Bro
at agad niya ito binuhat. Binuksan ni Michelle ang kanyang mga mata at nginitian siya ni Bro. Its okay my
child you are safe sabi ni Bro.
Bro¦kailangan malaman ni Saturnino bulong ni
Michelle. Oo alam namin anak, sige na rest na sabi ni Bro. I need to tell him¦nasan
siya? hirit ni
Michelle. He went back sa lupa para maging tao ulit kasama parents niya sabi ni Bro. I
have to tell him¦yung nakaitim¦si Melissa yon¦ sabi ni Michelle. Huminga ng
malalim si Brod at tinignan si Bro sabay si Michelle.
No iha, her real name is Julianna
Samantala sa lupa nagising si Benjoe mula sa isang masamang
panaginip. Mabilis na nagpunta sa kwarto ang mga magulang niya at tinabihan
siya. Anak what happened? tanong ng nanay niya. Bumangon si Benjoe at binuksan ang bintana niya at nagpahangin. Ang
sama ng panaginip ko ma, grabe ang dami daw demonyo pero may mga anghel din.
Weird talaga kasi parang totoo e¦pero may naka itim don na babae nakakatakot
talaga siya e sabi ni
Benjoe at tumawa ang tatay niya. Ayan kasi too much cartoons ka. Demons and angels sus pantasya
lang yan Benjoe sabi ng tatay nya.
Tahimik lang si Benjoe na nakadungaw sa bintana niya, tumabi
sa kanya si Adolfo at tinignan ano ang pinagmamasdan ng anak niya. Dad look ang
ganda nya ano? sabi ni
Benjoe at tinitignan pala niya ang kwarto ng kanilang kapitbahay. Doon sa kwaro
may isang magandang babae na nakaupo at parang may binabasa. She is pretty¦bagong
lipat ata sila dito e¦bukas bakit di mo siya kilalanin, pero madaming girls ata diyan kasi ginawa atang
parang boarding house sabi ni Adolfo at napangiti si Benjoe. She looks like an angel dad¦do
you think she will like me? tanong ni Benjoe.
You will never know until you try anak sabi ni Jenny at
biglang natawa si
Benjoe. Alam niyo parang narinig ko na yon somewhere pero di ko lang maalala sabi ni Benjoe at
pinagmasdan niya ang babae sa bintana at bigla ito napatingin sa kanya. Nanigas
si Benjoe pero ngumiti yung babae at kumaway sa kanya. Kumaway din si Benjoe at napangiti, naglakad na ang
mag asawa papunta sa pinto at napalingon si Benjoe sa kanila. Sabi mo pantasya
lang ang angels¦ayun o kinawayan ako ng isang anghel sabi niya at
tumawa ang mag asawa.
Sa oras din na yon sa battle area naglalaro si Nadine at
Veronika ng jackstone nang napansin nila ang lumang libro nag biglang nagbukas.
Agad nila nilapitan ito at tinawag ang ibang mga kasama nila. Tignan niyo o
naeerase ang mga letters ng book sabi ni Veronika. Lahat sila piangmasdan ang libro at bawat pahina nabubura ang
laman. Kusa nagbubukas ang bawat pahina hanggang sa umabot ito sa huli. Wala
nang laman ang libro pero muli ito nagsara.
Nagbukas muli ang libro at biglang may mga letrang
nagsulputan, tila may nagsusulat sa libro. Brother Louie!!! Di pa kami marunong
magbasa!!! sigaw ni
Patrick at agad lumapit si Louie at Barubal. Oh my Bro! Ano yan? tanong ni
Louie. Ogag e di libro sagot ni Barubal sabay tawa. Oh the angels pala are
SLOW!!! banat ni Barubal. Dali na read mo na kasi! sabi ni Mimi at hinawakan niya ang manika niya at natakot sina Louie
at Barubal.
Binasa ni Louie at Barubal ng sabay ang naisusulat ng libro,
naka ilang pahina din sila pero agad sinara ni Louie ang libro. Kailangan
makita ni Bro ito sabi niya sabay tingin sa mga bata.
Brother Louie meaning ba nyan babalik si kuya Saturnino? tanong ni Danica.
Nagkatinginan si Barubal at Louie sabay tinignan ang mga bata. Biglang
pinagtutusok ni Mimi ang manika nya at namilipit sa sakit si Louie at Barubal.
Aray ko!!! Bakit mo kami sinasaktan?! tanong ni Louie. Dami
pa arte e..ano babalik ba si kuya o hindi?!! tanong ni Mimi.
Oo babalik siya!!!....Aray itigil mo na yan at masakit!!! sigaw ni Barubal.